Kanina binisita ko fave blogger ko na si Ella tapos sabi nya sa c-box (c-box nga ba yun) nya for the nth time "kamusta na blog mo?"
Naisip ko tuloy, "May blog nga pala ako, way way back."
Eto na (wala ng typo-typo at grammar check ha? prepaid lang internet ko)
"Boblaks versus Matalino"
Sa totoo lang iniiwasan ko talaga gumamit ng salitang "Bobo o Engot", kasi sa mga nakakarinig, napaka salbahe ng nagbibitaw. Tsaka, since nag kaka edad na ko, nabobobo na rin ako lately, lalo na sa pagsukli, pag hindi divisible by piso. Kapag .75 na long bond paper tapos 13 pieces ang binili, hala, gumagamit na ako ng computer.
Case Open:
Nagsindi ng kandila si Taong B sa ilalim ng kurtina habang pinapanood ang dance idol nya na si luningning sa Wowowee. Nung nakita nya na nadidilaan na ng apoy yung lilip ng kurtina, hinintay nya muna mag commercial. E bago sa paningin nya yung commercial, hinintay nya muna matapos yung bago na commercial. Eh ang commercial pag bago, mas mahaba, natagalan sya.
Pag sahod nya ng balde sa gripo, na alala nya 1-5 a.m. lang pala nagkakatubig sa street. E noon time show ang wowowee, e di walang tubig.
Buti na lang dumating si Taong M na may dalang Fire Extinguisher na hindi expired. Kasi bukod sa matalino sya, tintingnan nya lagi ang expiration tsaka, palaging malinis ang matangos nya na ilong. Booger free zone.
Taong M: Bakit ka naman nagsindi ng kandila e wala naman brownout????
Taong B: E baka mag brownout di ko makita si luningning tsaka aiko!
Taong M: Loko ka pala e! Wala ka ng pag asa! Putong Inamoy! Tang Inumin Mo!
Dito sa mga susunod na eksena nananalo ang "boblaks" sa matalino
Taong B: OO na! Bobo na ako! Pasalamat ka Matalino ka! Nagsunog ka ng kilay sa pink na skul! Nagagawa mong study table ang Jeep kahit wala syang Table! Hindi ka nag girlfriend kasi lagi kang basted kasi gusto ng mga girls, gwapo na kahit average lang isip! Eh ako???? Bobo ako! Gwapo na bobo!
HUHUHUHUHUHU! WAHHHHHHHH! HUHUHUHUHU! WAHHHHHHH!
Sa daming luha na binagsak ni Taong B (pang isang buwan na luha) napuno na ang baldeng hawak nya na pang patay sana ng apoy kaso kasing liit na lang ng planera ng eyeglasses yung kurtina, gagawin na lang nyang pangbuhos later.
Dumating ang Taong Judge (Judge na dating PAO lawyer na matalino pero may inclination sa mga in a api)
Taong Judge: Ano ka ba naman M!!! Pasalamat ka Matalino ka! Nagsunog ka ng kilay sa pink na skul! Nagagawa mong study table ang Jeep kahit wala syang Table! Hindi ka nag girlfriend kasi lagi kang basted kasi gusto ng mga girls, gwapo na kahit average lang isip! Eh sya???? Bobo nga sya! Pero Gwapo na bobo!
Mag sorry ka! Ikaw ang umintindi kay B! Yang mga binitiwan mong masakit na salita sa kanya, makaka dagdag sa insecurities nya! Hindi mo na yan mababawi! Sa susunod kapag may gusto ka sabihin, pagkatapos mo mag fire extinguisher, magbilang ka ng sampu! Huwag kang padalos dalos sa binibitawan mong masasakit na salita!